Sabado, Pebrero 18, 2012

Mga Tanong sa Syota Kong Engineer

             Matapos nga ang limang mahihirap na taon ng pakikipagbuno sa mga nakakahilong numero, mga libro, si bestfriend calculator, mga techpen at mga terror na prof. ay makaka-gradweyt na ko sa kursong engineering isa sa pinaka mahirap na kurso sa kolehiyo kaya kapag nakapag tapos ka dito ay ang taas na ng tingin sayo ng mga tao na sa tingin nila ay alam mo na ang lahat ng bagay sa mundo tulad na lamang ng akda ni RICHIE VALENCIA na MGA TANONG SA SYOTA KONG ENGINEER. Ang akdang ito ay literal na puno ng tanong ng isang syota ng engineer na kahit walang kinalaman sa syota niya ay tanong pa rin ng tanong tulad na lamang ng ginawang nuclear plant sa bataan na hindi naman napakinabangan, nanjan din ang ang tanong na kung bakit laging binabaha sa maynila at marami pang iba. Ang akda rin ito ay nagmumulat sa mga problema ng ating bansa at kung ano ang magagawa ng isang inhinyero para makatulong na lutasin ang mga ito. Karamihan sa mga inhinyero ng ating bansa ay mas gugustohin pang lumipad sa ibang bansa para doon magtrabaho dahil hindi hamak na mas malaki ang sweldo at maaring magkaroon sila ng mas maayos at mas masaganang buhay. Doon nila binubuhos ang kanilang talino at galing at kahit na higit na kailangan ng ating bansa ang mga magagaling na inhinyero sila ay napipilitang mag ibang bansa para sa kanilang kinabukasan .Ito ang mga katanungan na dapat nating sagutin at gawan ng paraan o solusyon hindi lang bilang isang INHINYERO kundi bilang isang mamayang PILIPINO.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento