Biyernes, Disyembre 30, 2011
Ang Buhay Kolehiyo
Ang kolehiyo ay ang pinaka-mahirap na antas sa pag-aaral. Hindi ka pwedeng magpakaloko dahil tiyak na babagsak ka sa iyong mga agham at masasayang lang ang iyong pera at oras at kailangan mung pumasok ng summer class at uubusin mo halos lahat ng oras mo sa pag-aaral habang ang iba ang nagbabakasyon. Kasama rin sa hirap ng pagiging estudyante ng kolehiyo ay ang sobrang haba ng pila kapag enrollment at siguradong gugutomin ka sa haba ng pila at kasama rin ang pagkakaroon ng mga "terror" na mga guro yan lang ang ilan sa mga dahilan kung bakit mahirap ang kolehiyo. Pero sa kabila ng mga ito ay masaya rin ang pagiging kolehiyo magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan at mga bagong kamag-aral na magpapawala ng iyong pagod at magpapasaya sa iyong buhay kolehiyo. Ang kolehiyo nga ay lubhang mahirap pero nasa estudyante pa rin ito kung magpapasindak ba siya sa mga ito o pagbubutihin ng lubos ang pag-aaral at ito ang magiging kalakasan niya para makatapos at makuha ang inaasam na diploma.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)