Miyerkules, Disyembre 28, 2011

TAGO-MODE

               Ang pasko ay panahon ng pagbibigayan at kasiyahan hindi mawawala ang reunion at mga christmas party para ipagdiwang ang kapanganakan ni jesus.Ang blog na ito ay hindi tulad ng nabanggit dahil tatalakayin sa blog na ito ang mga masasamang karanasan sa pasko.Hinding-hindi ko makakalimutan ang nagdaang pasko dahil si ninong lourenz ay nagTAGO sa mga inaanak niya nakakahiya man pero ganoon nga ang nangyari.Ito kasi ang buong istorya december 24,2010 bisperas ng pasko ng nawala ng ng tatay ko ang christmas bonus na bigay sa kanya ng boss niya dahil sa sobrang kalasingan mabuti nalang at may naipon na pera ang mama ko kaya nagkaroon kami ng pagkain para sa noche buena.Kinabukasan araw ng pasko masaya at masigla ang lahat mano dito mano dun halos maupod na ang noo ng mga bata kakamano pero ano nga ba ang gagawin ng isang ninong na walang pangbigay sa mga inaanak niya.,LETTER A - ikakandado ang pinto at isasarado ang lahat ng bintana ng bahay?, LETTER B - matutulog nalang buong araw, LETTER C - aalis ka ng bahay para hindi ka abutan ng mga inaanak mo.Kaya yun si ninong lourenz pinili ang LETTER D ang all of the above ginawa niya ang lahat ng iyon.Kinagabihan dumating ang kumpare ni tatay dala ang bonus niya hindi naman pala nawala ang bonus niya hindi lang niya natandaan na pinatago lang pala niya sa kumpare niya kaya yun nakatipid kami inilaan nalang lahat para sa new year at sa pag-aaral.Ngayong pasko bumawi si ninong lourenz hindi na siya nagtago doble pa nga ang ibinigay niya sa mga inaanak niya meron ng pera meron pang regalong damit at laruan o di ba haha.Yan po ang kakaibang karanasan ko noong pasko ng 2010 ang TAGO-MODE :)