Huwebes, Disyembre 29, 2011

MAGKABILAAN - JOEY AYALA AT ANG BAGONG LUMAD (reflection)

               Para sa akin ang kantang ito ni joey ayla ay nagpapakita na ang mundo ay mayroong dalawang mukha. Ang pagiging magkasalungat ng maraming bagay dito sa mundo. Ang katotohanan na lahat ay may katapat o kabaligtaran tulad ng kung mayroong kasamaan ay mayroon din kabutihan, kung may tama may mali, may puti at may itim. Ang kanta din na ito ay nagpapakita ng pagkabalanse at pagiging pantay.